‘i-witness’ed and i learned from being a college teacher, bow.

I was watching Krusada the other night and when they featured the current situations of the teachers in the Philippines, that instantly brought me to memory lane because once, four years ago this October, I was once like them.

I cannot simply put the whole experience in posts but that 6-month teaching stint taught me a lot and it even inspired me to write something that became my key to being one of the 80 participants out of the hundreds who submitted their entries to the 1st  i-Witness‘ Docu Seminar last April 2008.

This entry talks about being new in that profession and some realizations that even in education – specifically, the things or the subject we teach, politics exists.

Here’s that entry, happy reading. Friendly reminder, this is written in Tagalog

Wala akong kamuwang-muwang sa pagtuturo nang pinasok ko ang propesyong ito. Ang alam ko graduate ako ng communication arts sa isang kilalang unibersidad at bukas-bukas ay papasukin ko ang mundo ng pag-uulat o pagsusulat. Sinubukan ko, nabigo ako.

Sa ngayon, isa akong college instructor na nagtuturo ng English at Philippine Literature classes sa lahat ng antas sa isang semi-private school sa Laguna.

Dito ako namulat sa totoong kahalagahan ng pagtuturo. Dito ko natutunang mahalin at batikusin ang propesyong wala sa hinagap ko na pagtutuunan ko ng pansin at dedikasyon. Dito nagsimulang umikot ang mundo ko sa mga estudyante ko at kung paano ko sila tuturuan na mahalin ang pag-aaral lalo na ang pag-aaral ng ating panitikan na may kritikong pananaw at pag-unawa.

Hindi ito naging madali siyempre dahil una, bago pa lamang ako sa ganitong larangan at pangalawa, gaya ng halos lahat ng tao, takot sila sa bago: bagong kaisipan, bagong pananaw at bagong pamamaraan kumpara sa nakasanayan na.

Napanood ko ang dokumentaryo tungkol kay Andres Bonifacio na ginawa ni Howie Severino kung saan pinakita niya ang Andres Bonifacio na taliwas sa kinamulatan natin:

isang Andres na hindi palaging nakayapak;

Andres na may pinag-aralan;

Andres na mahal ng kanyang mga kababayan;

Andres na inihalal ng taong-bayan;

At Andres na walang dudang siyang tunay na unang pangulo ng ating bayan.

Masusi niyang tinalakay ang bawat anggulo sa pagkatao nito at masusing inilahad ang kahirapan kung paano ito ipaaalam at ipatatanggap sa mga tao. Nakatatakot. Nakagagalit. Nakapagmumulat ng damdamin ngunit lalo’t higit ng kaisipan.

Nakatatakot isipin na maging ang inaakala nating lubos na pagkakakilala natin sa mga importanteng tao na bahagi ng ating kasaysayan at buhay Pilipino ay nabahiran na rin ng pamumulitika ng ilang may kapangyarihan.

Nakagagalit na maging ang ating kasaysayan ay hindi nilubayan ng mga kaganidan kung saan sa pagkakataong ito, hindi na lamang kayamanan ang pinagtatangkaang kurakutin at ipagkait sa atin, kundi maging ang ating kaisipan at ang katotohanan.

Subalit sa tulong ng mga dokumentaryo gaya ng ginawa ni Howie Severino at ng iba pang dokumentarista ng IWitness, unti-unti nitong binibigyang katarungan ang mga nangyayaring hindi katanggap-tanggap sa nakararami at binibigyang kabuluhan ang presensya ng mga taong di na halos nabibigyang-pansin ng ating lipunan.

Isinama ko sa pagtalakay ng panitikang Pilipino ang napanood ko tungkol kay Andres Bonifacio. Nagsimulang mag-isip ng malalim ang mga estudyante ko, nagkaroon ng palitan ng kuro-kuro na makabuluhan sa noon ay inaakala nilang walang kwenta at nakakaantok na subject.

Naibigan nila iyon. Namulat sila sa katotohanan na naipamulat rin sa akin ng dokumentaryong iyon. Minahal nila ang subject naming iyon at sa pagtatapos ng semestreng ito, masasabi kong nagtagumpay ako sa nilayon ko.

Ang makapasok sa puso at isip nila ang mga bagay-bagay na tilatalakay namin at ang mga katotohanang nakapaloob sa bawat talakayang iyon.

Gusto kong may magawa pa. Gusto kong makatulong pa sa nakararami na maimulat sila sa mga pangyayari sa ating kapaligiran. Gusto kong matuto pa at maibahagi ang kakaunti ko pa lamang na kaalaman dahil ngayon, sa tulong ng mga dokumentaryo na naisasa-publiko, hindi kalaban ang kawalan ng kaalaman sa mga desisyon at yugto na papasukin mo sa buhay mo. Ang totoong kalaban ay ang pagbubulag-bulagan at ang pagbibingi-bingihan sa mga katotohanang andiyan na lamang sa ating mga harapan. Hindi ako bulag, hindi ako bingi… ngunit kailangan ko ng pagkakataon. Pagkakataong matutunan ang bagay na gustong-gusto kong gawin at pagkakataon para maibahagi ko rin ito sa mga kagaya ko.

with Howie Severino

and Sandra Aguinaldo

One thought on “‘i-witness’ed and i learned from being a college teacher, bow.

  1. Pingback: Mag-Tree planting ay ‘di biro- one more time (the Sta. Ana, Cagayan Experience) | The Mokong Perspective

What do you think of this? Love, Rikki.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s