Proud Iska … Bow.

Nakalimutan ko na ang pakiramdam kung paano maging isang Iska pero naaalala ko kung paano ako naging instant celebrity nang isa ako sa aanim na estudyante sa aming batch sa aming mumunting bayan na nakapasa sa UPCAT. Sikat.

Naaalala ko rin na sa bawat sem, hindi kung ilang grade ang nakuha mo ang pinag-uusapan kung hindi ay kung nakapasa ka ba o hindi? Siyempre mahalaga ang numero pero sa UP, hindi lang sa numero nakikita kung ano ang pinaghirapan mo. 3.0 man yan o 2.75, alam ng kahit na sinong taga-UP na dugo at pawis ang katumbas niyan. Astig, di ba?

Nang kinukuha ko na sa entablado ang ‘diploma’ ko, maging ako hindi makapaniwala. Kahit pa ang grad pic ko na suot-suot ang mahiwagang sablay na nakalagay lang sa wallet ko hindi pa rin makapagkumbinsi sa akin na isa talaga akong Iska. Kaloka.

At nang nagsimula na akong maghanap ng trabaho, nakakabit na sa pangalan ko ang UP graduate na titulo. Ang angas ng dating, kakaiba.

Pero nakalimot ako. Akala ko ganon na lang yun – pangalan, titulo.

Nang naghahanap na uli ako ng trabaho, pinaalala sa akin uli ang kahalagahan ng pangalang iyon. ‘No need for you to take the pre-employment exam‘ – sabi ng National Sales Manager na nag-interview sken. Isa rin pala siyang UP grad at nagulat ako kung paano niya tinitingnan at nirirespeto ang mga kapwa-Isko at Iska niya na pare-parehong naghirap sa UPCAT at naghirap maka-graduate dito. Sobrang taas.

Nakalimot ako pero kahapon habang nakatutok ako sa cheerdance competition kasama ang mga orgmate ko, bumalik lahat. Sakto rin, ngayong linggong ito, talaga namang puro taga-UP ang laman ng mga balita – hindi man sinasadya o nagkataon lamang, saktong-sakto ang cheer ng UP Pep Squad kahapon.

U-nibersidad ng Pilipinas! 

Matatapang, Matatalino!

Sept. 13 – UP graduate Shamcey Supsup’s winning the 3rd Runner-up Miss Universe crown and her fierce answer that truly displayed a woman of beauty, brains and essence.

Walang takot kahit kanino!

Sept. 15 – Senator Miriam Defensor-Santiago’s controversial RH Bill speech in UP Diliman.

Hindi, hindi magpapahuli!

Sept.16 – Newly-elected 20th UP Pesident Pascual’s vision to mark the path and launch UP towards greatness during his term by upholding honor and excellence and existing to serve the people.

Ganyan kaming mga taga-UP!

Sept. 17 – UP pep-squad’s  back-to-back championship in the 2011 Samsung Cheerdance Competition.

Not Another Miss Universe Post

http://filipinofreethinkers.org/2011/09/15/beauty-and-belief/

Commentary on the article Beauty and Belief

I was about to write something similar to this 😮 The Q&A portion of the Miss Universe this year, not just Shamcey’s part, has opened a lot of windows when it comes to cultural differences yet their answers seem to reflect basically the same thing – respect. And it’s a good sign that no matter how different we all seem to be, we are on the same page when it comes to the fundamentals of life.